PANOORIN: Puto bumbong na may kakaibang toppings dinarayo sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 03:08 PM | Updated as of Dec 02 2019 03:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinarayo ng mga taga-probinsiya at mga residente ng mga karatig-lungsod ang isang puwesto sa Maynila na nagbebenta ng puto bumbong na may kakaibang toppings.

Mismong ang may-ari na si John Michael Moguel ang nagluluto ng puto bumbong na ibinebenta niya sa kaniyang puwesto sa Varona Street, Tondo district.

Inspirasyon daw ni Moguel ang lola niyang mahilig ding magluto ng puto bumbong.

Pero para maging mas mabenta, sinasamahan ni Moguel ang kakanin ng mga ibang sangkap para maging mas katakam-takam.

May isang klase ng puto bumbong si Moguel na nilalagyan niya ng kinayod na niyog, keso, at matamis na gatas.

Kung gusto ng "sweetness overload," ang isang uri ng puto bumbong naman ay hinahaluan ng keso, leche flan, at matamis na gatas.

May uri ng puto bumbong ding isinisilbi si Moguel na may kasamang macapuno at itlog na maalat.

Kabilang sa mga naabutan ng "Rated K" team sa puwesto ni Moguel ang ilang magbabarkadang dumayo mula Bacoor, Cavite at mag-asawang nag-motorsiklo mula Caloocan City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.