PatrolPH

Pinakamataas umanong Christmas tree sa bansa pinailawan sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 09:40 PM

Pinakamataas umanong Christmas tree sa bansa pinailawan sa Davao del Norte 1
Pinakamataas umanong Christmas tree sa bansa pinailawan sa Davao del Norte 2

Mga larawan mula sa Tagum City LGU

Mga larawan mula sa Tagum City LGU

Nagningning ang hall grounds ng Tagum City, Davao del Norte nitong Miyerkoles dahil sa mga pailaw at palamuting pampasko na sinaksihan at ikinatuwa ng mga Tagumenyo.

Bida ang pinakamataas umanong Christmas tree sa Pilipinas, na ayon sa pamahalaang lokal ay may taas na 195 feet.

Iba’t ibang kulay ang mga Christmas lights na ang disenyo ay simple pa rin at hango sa mga nagdaang hitsura nito lalo’t patuloy pa rin ang pandemya.

Mayroong simbolo ang iba’t ibang kulay ng ilaw mula sa inspirasyon, pag-asa, at katatagan.

Ayon kay Tagum City Mayor Allan Rellon, hindi man mahalaga ang ceremonial lighting ng Christmas tree sa gitna ng pandemya, pero naghahatid pa rin ito ng saya at pag-asa sa mga mamamayan na manunumbalik sa normal ang sitwasyon.

Nakabantay ang mga marshall para masigurong nasusunod ng mga manonood ang health protocols.

Maaring makapagpa-picture ang mga residente sa Christmas icons sa city hall araw-araw tuwing alas-6 hanggang alas-10 ng gabi.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.