'Village of lights and sounds' at iba pa sa 'Paskuhan sa Maynila', magbubukas na

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 05:43 AM

MAYNILA - Todo-paghahanda na ang isinasagawa sa Mehan Garden para sa Paskuhan sa Maynila na magbubukas ngayong Martes. 

Ang Paskuhan sa Maynila ay magtatampok ng tinawag na "village of lights and sounds" dahil sa mga dekorasyon sa loob ng Mehan Garden. May 60 na mga exhibitors rin ang kasali para magbenta ng iba't ibang produkto na pang noche buena o pang regalo. 

Ayon sa Manila Public Information Office, isa sa layunin ng proyekto ay para makabawi ang ilang negosyante sa pagkalugi dahil sa pandemic. Mabibigyan rin aniya ng trabaho ang 200 katao dahil sa proyektong ito. 

 

Para maiwasan ang siksikan ng tao gaya ng nangyayari sa Divisoria, mahigpit na ipatutupad ang mga health protocol sa lugar. 

Nasa 50 percent capacity lang ang pwedeng makapasok sa Mehan Garden at lahat required dumaan sa misting booth at temperature scan. 

Lahat ng exhibitors ay dadaan din sa serology test at syempre kailangan naka face mask at face shield. 

Magbubukas ang Paskuhan sa Maynila alas 4 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi araw-araw. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.