SILIPIN: Bamboo sanctuary na may engrandeng dome sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2019 04:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung naghahanap ng tahimik at payapang pasyalan kung saan mapapalapit ka pa sa kalikasan, puwedeng bisitahin ang isang bamboo sanctuary at resort sa Davao City.

Tiyak na mag-e-enjoy at mare-relax ang mga nature lover sa pagbisita sa Bamboo Sanctuary and Ecological Park sa Malagos, Davao City.

Tampok sa sanctuary ang 32 species ng kawayan na tinanim mismo ng pamilya ng may-ari at nagtatag ng lugar na si Fe de Veyra.

"Ang hilig ko po sa bamboo ay nagsimula noong I read about bamboo. I learned that bamboo is a really beautiful plant," ani De Vera sa panayam ng "Matanglawin."

Bukod sa mga kawayan, swimming pool, at fish pond, angat sa lugar ang isang bamboo-inspired steel dome.

Sa pagtatayo ng sanctuary, nais ni De Vera na mapalaganap ang kahalagahan ng kawayan.

"It gives us more oxygen [and] it is very efficient in fighting flood," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.