TINGNAN: Christmas tree sa Vigan city hall pinailawan

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2020 02:35 PM

Retrato mula sa Vigan City local government

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, ipinagpatuloy pa rin ng lokal na pamahalaan ng Vigan City ang taunang pagpapailaw sa Chrismas tree sa harap ng munisipyo ng lungsod.

Isinagawa umano ang pagpapailaw Biyernes ng gabi upang maipadama pa rin sa mga residente at turista sa Vigan ang diwa ng Pasko.

Nasa 37 talampakan ang taas ng inilawang Christmas Tree.

Simula Nobyembre 15, bukas na sa mga turista sa Luzon ang Vigan City, maging ang ibang mga lugar sa Ilocos Sur.

Pero kailangan munang makipag-ugnayan sa mga piling travel agency para sa mga tour package at dokumentong kailangang ipakita bago makabiyahe sa lalawigan.

Turismo ang isa sa mga pangunahing industriya sa Vigan City.

Itinuturing na UNESCO World Heritage Site ang Calle Crisologo, Ilocos Sur Dancing Fountain, at Baluarte Zoo.

Kabilang din ang lungsod sa New7Wonders Cities of the World ng New7Wonders Foundation.

-- Ulat ni Bryan Realgo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.