Paano mapalapit sa mga biyenan pagkatapos ng kasal?

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2019 06:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

 

MAYNILA — May mga pagkakataong namumuo ang sigalot sa pagitan ng mag-asawa at kanilang mga biyenan dulot ng hindi pagkakaintindihan. 

Para maiwasan ito, mainam na gumawa ng paraan upang mapalapit sa mga biyenan, ayon sa family and marriage consultant na si Dan Caballes. 

"Ipakita unang-una na mahal [mo ang anak nila].... [P]ara mahalin ka ng in-laws mo, mahalin mo 'yung anak nila," ani Caballes sa programang "Sakto" ng DZMM.

Mahirap kasi umano para sa mga magulang na "ipaubaya" ang kanilang anak sa mapapangasawa nito.

"Itong anak ko, kunwari pinalaki ko, pinaaral ko, tapos pamimigay ko sa ibang tao na halos hindi ko kilala. Kaya minsan ang point-of-view ng in-laws [ay] lagi silang lugi," pahayag ni Caballes. 

Dapat ding sumunod sa vows na sinabi sa kasal para mapalapit sa magulang ng asawa. 

Importante rin aniyang handa sa kasalan ang mag-asawa para magkaroon ng kumpiyansa ang kani-kanilang mga magulang.

"We encourage [na magpakasa] late 20s. Tapos financially stable. Pag mag-aasawa ka, mag-handa kayo sa pagbubukod. Manage your emotions and the physical preparation also kapag magkakaroon ng anak," aniya. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.