Pops Fernandez, earth warrior na ngayon

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 04:23 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial) on

MAYNILA -- Kabilang si Pops Fernandez sa mga personalidad na nagbigay-suporta sa Gabay Kalikasan program ng PLDT-Smart nitong Miyerkoles.

Special guest ang ilan sa Kapamilya stars na sina Dominique Roque at Khalil Ramos, at mga performers na sina Joey Ayala, Rice Lucido, Telay Robles, at Unique Salonga.

Ayon kay Pops, napapanahon ang sustainability campaign na ito kasabay ng mga hindi magandang pagbabago sa kalikasan.

"Marami tayong naririnig at nababasa regarding our environment at totoo po lahat 'yun. And again, lalong-lalo na sa ating mga anak, simulan na natin," ani Pops sa panayam.

At sa kanyang simpleng paraan, nais maging bahagi at simulan ng singer ang kanyang ambag para sa pangangalaga sa kalikasan.

"This is a great thing kasi it will really help to have awareness which we all need, sometimes kasi we do forget it na. So doing this is a good start and a lot of organizations have also done this." aniya.

"And we are all guilty with the mistakes, that's why doing this is a good start and it's a constant reminder of what we should do for our environment."

Ang chairwoman naman ng sustainability advocacy program ng PLDT Smart Foundation na si Chaye Cabal-Revilla, tuloy-tuloy ang pag-engganyo sa ibang personalities na makiisa sa paggabay para sa kalikasan.

"We hope to have more Filipinos and personalities to be part of our program. It is something that we really need to do for the people. Gabay Kalikasan is something we need to do for our future generation and have an impact for our future," pahayag pa ng chief sustainability officer ng Gabay Kalikasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.