Jose Mari Chan nangaroling sa LRT-1 Christmas train

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 07:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Marahil hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kapag walang naririnig na tugtog ni Jose Mari Chan.

Kaya sa pag-arangkada ngayong Miyerkoles ng mga Christmas train ng LRT-1, nangaroling ng mga pasahero ang 74 anyos na mang-aawit.

Nangaroling din sa Christmas trains ang mga bata mula sa Children’s Joy Foundation.

Tema ng Christmas trains ngayong taon ang "Christmas in our Homes."

"Gusto natin bigyan ng memory 'yong ating families sa bahay, special time siya (Christmas)," ani Light Rail Manila Corporation President Juan Alfonso.

Labindalawang beses bibiyahe kada araw ang Christmas trains hanggang Pebrero.

Sa kabila nito, hindi naman pababayaan ang mga normal na tren ng linya, ani Alfonso.

"Itong Christmas train natin is kaunting aliw lang," aniya.

Nasa 30 tren ang ino-operate ng LRT-1, na bumibiyahe mula Quezon City hanggang Parañaque, at nagsasakay ng hanggang kalahating milyong pasahero kada araw.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.