PatrolPH

Ahtisa Manalo tutok muna sa pagnenegosyo

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2018 04:05 PM

Ahtisa Manalo tutok muna sa pagnenegosyo 1
Retrato mula sa Instagram ni Ahtisa Manalo/@ahtisa

Matapos ang kaniyang laban sa 2018 Miss International, nais muna ng beauty queen na si Ahtisa Manalo na lumayo sa "limelight" o sa mata ng publiko. 

Sa kaniyang homecoming press conference noong Lunes, sinabi ni Manalo na ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, gusto muna niyang makabawi ng pahinga lalo at tuloy-tuloy raw ang kanilang mga aktibidad sa Miss International noong mga nagdaang linggo. 

"For now, I just wanna rest. I just wanna, I haven't rested ever since before I left for Japan," sabi ni Manalo.

Hinirang na first runner-up si Manalo sa Miss International 2018 na idinaos noong Nobyembre 9 sa Tokyo, Japan. Si Mariem Velazco ng Venezuela naman ang nag-uwi ng titulo.

Ayon pa kay Manalo, isinasantabi muna niya ang pangarap na maging pulis.

"I think for now, that's out of the picture," sabi ni Manalo.

Kumuha ng kursong public safety si Manalo sa Philippine National Police Academy sa kabila ng pagtutol ng kaniyang pamilya.

Sa ngayon, pagtutuunan muna raw ni Manalo ng pansin ang pagnenegosyo.

"I can have a lot of other chances in different fields," aniya. " I think I'm gonna focus more on business side now and maybe not on the limelight."

May tatlo na raw siyang business plans na hinahanda sa ngayon.

Bagaman bigong masungkit ang korona, itinuturing pa ring "learning experience" ni Manalo ang paglahok sa Miss International.

"When we were there, I was mingling with 76 other ladies from different cultures, different traditions," aniya.

Dagdag pa ni Manalo, marahil ay hindi niya "destiny" na makuha ang titulo sa pageant.

"Maybe I have a different destiny," aniya.

Nakatakda pa ring lumahok si Manalo sa ilang aktibidad ng Miss International sa Japan kasama si Velazco at iba pang miyembro ng Top 5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.