PANOORIN: Anak, pinapasan ang inang may sakit

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 12:23 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa murang edad, mabigat na responsibilidad na ang pasan ni Melanie Ledesma, 12 taong gulang.

Panganay sa kanyang mga kapatid, si Melay ang katulong ng kanyang inang si Haneyleen sa pagsuporta sa kanyang pamilya.

May tuberkulosis sa buto si Haneyleen, kaya't madalas ay kinakailangan siyang pasanin ng kanyang anak na si Melay sa likod nito.

Sa tulong ng "Rated K" at lokal na pamahalaan ng Pililla, Rizal, naipatingin na sa doktor si Haneyleen. Nabigyan na rin sila ng maliit na negosyo para mapagkakitaan.

Malapit na rin umanong magkaroon ng sariling bahay ang pamilya sa tulong ng Gawad Kalinga.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.