PatrolPH

Disney-inspired Christmas village, ibinida sa Misamis Oriental

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 06:49 PM | Updated as of Nov 26 2019 01:15 AM

Disney-inspired Christmas village, ibinida sa Misamis Oriental 1

CLAVERIA, Misamis Oriental - Ibinida sa bayan na ito ang mala-Disneyland na Christmas village sa harap ng munisipyo.

Makikita rito ang iba't ibang characters mula sa Disney animated movies kagaya ng Moana, Mickey Mouse, Snow White and the Seven Dwarves, Frozen, Inside Out, at iba pa.

Ang mag-asawang Regie at Nieva Añana, sinama ang kanilang 3 anak para magpa-picture sa characters ng Aladdin.

Mula pa sa karatig bayan ang pamilya na bumiyahe sa Claveria para mag-bonding.

"Tuwang-tuwa sila. Bumiyahe talaga kami para lang makita ang kanilang display," ani Regie.

Makikita rin sa harap ng munisipyo ang malaking castle at iba't-ibang Disney princess.

Watch more News on iWantTFC

Sampung Disney movie-inspired na character ang makikita sa Christmas village ng bayan ngayong taon.

Pa-kontest ito ng lokal na pamahalaan para hindi na kailangang bumiyahe pa sa malayong lugar ang mga pamilya para maranasan ang saya na hatid ng Disneyland.

Libre ditong mag-ikot at mag-selfie sa mga paboritong Disney characters.

"'Yung tema namin ngayong taon ay Pasko Saulogon, Pamilya Lig-onon (Pasko Ipagdiwang, Pamilya Pagtibayin)," ani ng municipal administrator na si Homer Bana.

Tuwing alas-6 ng gabi pinaiilawan ang naturang Christmas village.—May ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.