Lalaking taga-Batangas, kinulam umano ng ex-girlfriend?

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2018 10:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang lalaking taga-Batangas City ang may kakaibang kundisyon. Paniwala nila, ipinakulam ito ng kaniyang dating girlfriend.

Ilang albularyo na ang kinunsulta ng 31 anyos na si Erikson Raymundo, at pare-pareho sila ng sinasabi -- maari umanong nakulam ang binata.

Walong taon nang hindi halos makagalaw nang maayos si Erikson. Naninilaw ang kaniyang mga kuko at mistulang kahoy na ang kaniyang balat.

Ayon naman sa mga doktor, isang sakit sa balat ang tumama kay Erikson. Lumala umano ito dahil napabayaan at hindi naipatingin kaagad sa espesyalista.

- Rated K, Nobyembre 25, 2018