ALAMIN: Mga sahog na pamalit sa karneng baboy | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sahog na pamalit sa karneng baboy

ALAMIN: Mga sahog na pamalit sa karneng baboy

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 24, 2020 02:17 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Hanap mo ba ang masarap pero mas murang pagkain para sa pamilya?

Kung hindi na sakto ang budget para makabili ng karneng baboy, may mga lutuing pwedeng pamalit sa nakasabayang pork ulam.

Sa programang "Sakto" ng TeleRadyo nitong Martes, ibinahagi ni chef Tristran Bayani ang maaring ipalit sa karneng baboy. Aniya, ang pinakamalapit na puwedeng ipanghalili sa baboy o baka ay ang manok at tokwa.

"Chicken breast ang pinakamalapit sa pork dahil white meat siya. And tofu, puwede 'yan," ani Bayani.

Aniya, para mas lumapit sa lasa ng baboy, importante ang papel ng mga pampalasa.

ADVERTISEMENT

"Dapat gamitin nating ingredients ay spices na ginagamit sa baboy, paprika, rosemary para lumapit ang lasa natin sa timpla ng baboy," ani Bayani.

"Puwede nating i-breading yung tofu, puwede natin gawin 'yang sweet and sour or 'yung mga curry. Puwede rin nating gawing sisig. Medyo pipinuhin lang natin 'yung mga meat," dagdag ni Bayani.

Giit niya: "Importante talaga 'yung seasoning. 'Yung medyo lalapit tayo roon sa paborito nating lutuin ng baboy nga... Mayroon akong ginagawa liempo chips, parang bacon slice na liempo. Ang gagawin natin, hiwain ng manipis 'yung tofu na para ring bacon, thin slice 'yung tofu tapos crispy siya."

Ilan din sa mga putahe na puwedeng gamitan ng manok ay tocino, dinakdakan at menudo, aniya.

Mura at masustansiya ring pamalit sa karneng baboy ang mga gulay.

"Usually 'yung mga bata ayaw ng gulay. 'Yung mga nanay ginagawa nila vegetable patties," ani Bayani.

At payo naman ni Bayani sa mga nais makatipid ngayong Pasko.

"Kung umiiwas tayo sa mga mamahaling ingredients gaya ng beef and pork, eh substitute muna tayo. Punta tayo sa chicken na mas mura-mura or gulay. Ganoon pa rin naman 'yung dishes na gusto nating gawin. Like sa Pasko, 'yung usual natin ay menudo. Puwede nating i-substitute ng chicken breast or 'yun nga breaded tofu. Marami, marami tayong puwedeng gawin," aniya.

Sa ngayon ay halos pareho na ang presyo ng baboy at baka sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Narito ang video tungkol sa mga lutuing puwedeng pamalit sa mga nakasanayang pork ulam. Panoorin ang video sa markang 43:46 hanggang 50:55.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.