PatrolPH

Netizens may sari-saring gimik para sa kaarawan nina Karen Davila at Lyca Gairanod

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 12:12 AM | Updated as of Nov 22 2021 11:21 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Kani-kaniyang paraan ng pagbati ang netizens para sa kaarawan nina Karen Davila at Lyca Gairanod.

Ang seafarer na si Jaypee Bacera Magno, idinaan sa tsokolate ang kaniyang pagbati sa dalawa.

Gamit ang melted chocolate at toothpick, iginuhit ni Jaypee ang wangis ng dalawang personalidad sa loob ng dalawang oras.

"Nang dahil po sa viral video ni Karen at Lyca, naging kaabang abang po ang kanilang kaarawan kaya gumawa po ako ng food art para maki-celebrate," aniya.

Chocolate Art

Idinaan naman ni Mary Mae Dacanay mula sa Laguna sa isang leaf art ang kaniyang pagbati sa dalawa.

Gamit ang dahon ng langka at scalpel, ginawa niya ito sa loob ng 30 minuto.

Ibinahagi niya ito sa social media kalakip ang pabati sa dalawang personalidad.

Leaf Art

Matatandaang nag-viral sa social media ang naging reaksyon nina Davila at Gairanod nang malaman nilang pareho sila ng kaarawan.

Kaya naman sabay na ginunita ng dalawa ang kanilang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bisikleta, food packs at iba pa sa mga residente ng Tanza sa Cavite.

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.