TIPS: Paano maprotektahan ang anak mula sa mga 'predator' sa cyberspace

Jasmin Romero, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 06:50 PM | Updated as of Nov 22 2019 07:05 PM


MAYNILA — Malaking hamon para sa mga magulang na mabantayan ang kanilang mga anak sa cyberspace, kabilang na sa sari-saring social media platforms.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng Council For the Welfare of Children (CWC) na 2 sa 5 bata ang nakararanas ng kung tawagin ay "cyberviolence."

 Mga itinuturing na cyberviolence:

  •  Mga komento sa social media na masama, nakakababa ng dignidad o bastos 
  •  Pagpapakita ng mga larawan o video ng maseselang bahagi ng katawan 
  •  Mga mura o pambabastos sa mga text message
  •  Pagpo-post ng hubad na retrato sa internet o kinakalat sa cellphone

Kaya sa paggunita sa National Children's Month ngayong Nobyembre, sabay-sabay nagpaalala ang Facebook, CWC, at Stairway Foundation kung ano ang mga dapat gawin para hindi mabiktima ang mga bata ng mga mapansamantala sa internet.

"We have to somehow learn the generation kung paano nila ginagamit ang technology," ani CWC executive director Mitch Cajayon-Uy.

Ayon naman kay Ace Diloy, senior advocacy officer ng Stairway Foundation, dapat ding magdahan-dahan sa pagiging mahigpit dahil maaari naman itong maging sanhi ng paglilihim o pagrerebelde.

"Ano sa tingin ninyo ang mangyayari [kapag] pinagbawalan ninyong mag-Facebook ang mga anak ninyo? Ano sa tinign ninyo ang gagawin nila? Tatakas. Tapos saan sila nagpe-Facebook? Sa labas. Magsasabi ba sa inyo? Hindi," paliwanag ni Diloy. 

Sabi ng Facebook, may mga inilatag silang safeguard o pamamaraan para sa mga magulang upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga anak na mayroong account sa naturang social media.

"We have a bullying prevention hub as well. So in case they get bullied and harassed online, all of these caregivers have a guide when they encounter harms. But we don't want you to wait until you experienced harm," ani Snow White Smelser, safety police manager ng Facebook Asia Pacific. 

Ipinaalala rin ng Facebook na bawal magkaroon ng account sa kanila ang batang edad 13 pababa.

"We have measures in place to try find [them]. Once they are reported, we will make sure that the child is not allowed to register," paniguro ni Smelser.

Kasalukuyang may nakabimbing na panukala sa Kamara para maagapan ang peligrong nag-aabang sa mga batang laging nakababad sa social media. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.