RECIPE: 'Tinopak' o tinolang manok sa pakwan

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 12:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Masarap ang pakwan bilang panghimagas o merienda lalo na kapag mainit ang panahon.

Pero alam niyo bang maaari ring gamiting sangkap ang pakwan sa inyong tinola?

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinero na si Danny Austria para ibahagi kung paano lutuin ang tinola sa pakwan o mas tinatawag ding tinopak.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 2 kutsarang mantika
• 1 pirasong sibuyas
• 2 pirasong bawang
• 1 pirasong luya
• 2 pirasong tanglad
• 1/2 kilong manok
• 1 kutsarang patis
• 1 kutsarang paminta
• 3 baso ng blended pakwan
• 3 dahon ng basil

[BOLD] Paraan ng pagluluto:

Ilagay ang mantika sa kawali.
 
Igisa ang sibuyas, bawang, luya, tanglad, at manok.

Lagyan ng paminta at patis ayon sa lasa.

Takpan ang kawali. Pagkatapos ng dalawang minuto, haluin at lagyan ng tubig at takpan ulit.

Kapag luto na ang manok, ilagay na ang blended na pakwan at dahon ng basil.

Kapag kumulo na, puwede nang ihain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.