PatrolPH

Christmas village sa Baguio nagbukas; health protocols sinusundan

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2020 07:58 PM

Christmas village sa Baguio nagbukas; health protocols sinusundan 1
Makukulay na ilaw, jeep, at mga kubo ang mga disenyong pakulo sa Christmas Village ng isang hotel sa South Drive sa Baguio City na pinamagatang "Pasko sa Nayon." ABS-CBN News 

BAGUIO CITY - Makukulay na ilaw, jeep, at mga kubo ang mga disenyong pakulo sa tinaguriang Christmas village ng isang hotel sa South Drive sa lungsod na ito. 

Pinamagatan itong "Pasko sa Nayon" o "Paskong Pinoy." 

Sa gitna ng village, may malaki at makulay na waterfalls. Mayroon ding niyebe na ikatutuwa ng mga bisita. 

Gabi-gabi ring itatampok ang nativity play at choir. 

"I enjoyed watching the nativity scene and the choir singing especially because they sing traditional Filipino carols and you can learn from them. It’s a really nice place to come and visit," ayon sa residenteng si Justin Zambrano. 

Ayon sa pamunuan, nais nilang ipadama ang simoy ng Pasko sa kabila ng mga pagsubok na hatid ng taong 2020. 

"I hope you have fun and we can show to everyone that Baguio city is open for tourism and we can do it this way with existing medical protocol," ani Anthony de Leon, general manager ng Baguio Country Club. 

Para matiyak na susundin ang health protocols habang may COVID-19 pandemic, may ticket reservation at mga kailangan punan na registration at health declaration sa kanilang website. 

Bubuksan ang Christmas Village hanggang Enero 21, 2021. -- Ulat ni Micaella Ilao 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.