Ariella Arida, nagdiwang ng kaarawan sa 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 11:24 AM

MAYNILA -- Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang beauty queen na si Ariella Arida nitong Huwebes sa "Umagang Kay Ganda." 

Napasaya naman si Arida ng mga mensahe mula sa kanyang "UKG family" at video messages mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa beauty queen na sina Venus Raj at MJ Lastimosa.

Nagpasalamat naman si Ariella sa kanyang pamilya sa "UKG" at sa lahat ng mga manonood.

Maliban sa "UKG," isa rin si Ara sa mga bituin ng sikat na seryeng "The Killer Bride."

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 21, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.