3 estudyante mula Batangas, wagi sa World Scholar's Cup sa Yale University

April Rose Magpantay, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 01:05 AM

Abot tenga ang ngiti nila Yvette Frances Ortega, Kielle Imrei Tria at Mark Joshua Noche ng Lyceum of the Philippines University - Batangas matapos manalo ng gold at silver medals sa World Scholar’s Cup, Tournament of Champions sa Yale University sa Connecticut, US noong isang linggo.

Galing sa literatura at pakikipagtalastasan ang ilan sa ipinamalas ng tatlong high school students mula sa Lyceum of the Philippines University-Batangas sa Estados Unidos noong isang linggo.

Nakamit ng tatlong estudyante ang gold para sa Team Debate at silver medal para sa Team Writing at Scholar's bowl sa ginanap na World Scholar’s Cup, Tournament of Champions sa Yale University sa Connecticut.

Kasama sa grupo ang Grade 11 student na si Yvette Frances Ortega na lumaban at nakipagsabayan sa iba't ibang mga bansa.

“Ang pinakagusto ko po siguro is the speaking po. I really love expressing my thoughts, to express myself and be able to convince other people know my side my perspective through my eyes,” ani Ortega.

Hindi makapaniwala ang dalawa pang ka-grupo ni Yvette sa nakamit na karangalan. Unang beses daw kasi nilang makalipad patungong Estados Unidos.

“Representing my country is really a pressure that's for sure, but it's really an honor to represent the country, not just the institution,” ani Kielle Imrei Tria.

“Overwhelming. It is one one of the best feeling you could possibly have as a student especially my grade, Grade 10, junior high school, it's one of the best experiences that every student should be able to experience,” ani Mark Joshua Noche.

Halos dalawang buwan ang naging preparasyon ng mga estudyante kasama ang kanilang coach para sa kompetisyon.

Ayon sa coach ng tatlo na si Jamie Mendoza, unang beses pa lamang sumali ng mga estudyante sa patimpalak at determinasyon sa pagsasanay ang naging puhunan nila simula regional, global, at international level ng naturang cup.

“Its something so big and so grand that you would be immersed to diffent culture all over the world. I think the most amazing thing about this is you get to learn from experience not just from the books,” ani Mendoza, na assistant principal din ng LPU-Batangas High School.

Higit sa karangalan, inspirasyon daw ang nais ipahatid ng mga estudyante at administrador ng paaralan sa bawat kabataan sa Batangas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.