Paano naghanda si Kelsey Merritt para sa Victoria's Secret Fashion Show?

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 09:01 PM | Updated as of Sep 30 2019 03:03 PM

Rumampa sa Victoria’s Secret runway ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt. Angela Weiss, Agence France-Presse

Ibinunyag ni Kelsey Merritt kung paano siya naghanda bilang kauna-unahang Pinay model na rumampa sa prestihiyosong Victoria's Secret Fashion Show.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Merritt sa New York City, inamin ni Merritt na hindi biro ang kaniyang sakripisyo para makapasok sa fashion show.

Dalawang buwan daw siyang nag-work out bago ang casting.

Binago rin niya ang kaniyang diyeta at siya mimso ang nagluto ng kaniyang mga kinakain.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-debut noong Nobyembre 9 (Manila time) sa Victoria’s Secret fashion show stage si Merritt, ang kauna-unahang Pinay sa kasaysayan na nakasali sa naturang palabas ng iconic brand.

Ayon pa kay Merritt, nagbukas ng maraming oportunidad para sa kaniya ang Victoria's Secret Fashion Show.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kelsey Merritt (@kelseymerritt) on

Lumabas din kamakailan si Merritt sa isang online feature ng sikat na fashion magazine na Vogue, kung saan ipinakita niya kung paano niya ginawa ang make-up sa casting ng Victoria's Secret Fashion Show.

--Ulat ni Don Tagala, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.