Cyrille Payumo binalikan ang laban sa Miss Tourism International

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 04:17 PM

Bukod sa kaniyang pisikal na anyo, naniniwala si Cyrille Payumo na susi sa kaniyang tagumpay sa Miss Tourism International 2019 ang pagpapakita niya ng "Filipino values."

Sa pagbisita ni Payumo ngayong Lunes sa San Fernando, Pampanga, binalikan ng 22 year-old beauty queen ang karanasan ng pagsabak sa international pageant at kung ano sa tingin niya ang mga naging salik ng kaniyang pagkapanalo.

"I think mas naging edge ko 'yong personality ko and nag-represent 'yong Filipino values... Ipinakita ko kung ano man ako, so I think 'yon 'yong nag-standout sa akin," ani Payumo, na nagmula sa bayan ng Porac, Pampanga.

Ayon pa kay Payumo, pinangarap talaga niyang maging beauty queen at nag-umpisa siya sa mga pageant sa barangay hanggang sa nakaabot na sa mga international contest.

Nagpasalamat din si Payumo sa lahat ng kaniyang mga tagasuporta.

Nakatakda namang bumalik si Payumo sa Kuala Lumpur, Malaysia para gampanan ang kaniyang tungkulin bilang Miss Tourism International.

Noong Nobyembre 8, itinanghal na Miss Tourism International 2019 si Payumo sa coronation na idinaos sa Malaysia.

Nanalo rin ng best in national costume si Payumo.

Si Payumo ang ika-limang Pinay na nakakuha ng titulo sa pageant. -- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.