‘Beauty with a Purpose’: Balikan ang Miss World journey ni Laura Lehmann

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 11:40 PM

 

A post shared by Laura Lehmann (@iamlauralehmann) on

Bigo man ang pambato ng Pilipinas na si Laura Lehmann na masungkit ang korona sa Miss World 2017 ngayong Sabado sa China, naging makabuluhan pa rin ang pagsali niya sa nasabing pageant matapos magwagi sa “Beauty with a Purpose" segment at mapabilang sa top 40 ng kompetisyon.

 

Isa si Lehmann sa mga nanalo sa “Beauty with a Purpose" challenge ng Miss World dahil sa kaniyang dedikasyon sa adbokasiya na magpatayo ng milk bank para sa maternity ward ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

“This year, I really wanted to work on the maternity ward and address their issue of having no milk, and my goal is [to build the] first ever milk bank for the Jose Reyes Memorial Medical Center,” aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakapasok din siya sa top 40 ng pageant matapos mapabilang sa 20 kandidata na nanalo sa Head-to-Head Challenge, ang bagong segment ng Miss World kung saan inilahad niya kung paano makatutulong na masolusyonan ang isyu ng cyberbullying. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

"But I think the best thing we can do is use our platform and use our voices because the whole world is watching us. So whenever we see someone being bullied online, I think that we can't be passive bystanders," ani Lehmann.

Dating courtside reporter si Laura Lehmann at tinalo niya ang 34 iba pang kandidata noong coronation night ng Miss World Philippines noong Setyembre 3.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.