2 Fil-Am game developer, lumikha ng laro na tatak Pinoy

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 12:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi na bago na may mga Pinoy sa larangan ng video game development sa iba't ibang bahagi ng mundo. 

Pero kakaiba ang bagong game na "The Girl Who Sees" na nilikha ng dalawang Pinay dahil inspirasyon nila ang kultura at lahing Pilipino.

Matagal nang gamer ang Filipino-American na si Pattie Umali at napapansin aniya na bibihira mapag-usapan ang kultura at lahing Pinoy sa mga video games.

Kaya nagsanib puwersa si Pattie at kapwa Pinay na si Cherrize Datu sa kanilang school project na "The Girl Who Sees". 

"It was supposed to be a fantasy adventure game and when I thought about where I wanted it to be set, I thought of a place a bit unusual...So I thought why not make fantasy game about people of color and I thought I should start with my own first," paliwanag ni Umali ukol sa kaniyang inspirasyon sa paglikha ng game.

Ang laro ay naka-set sa panahon ng World War 2 sa Mindanao at sinusundan ang character na si Kina. 
    
Umikot siya sa mundo ng Filipino mythology at lumalaban sa mga halimaw gaya ng manananggal.

Sa laro, naisingit pa ng developers ang halaga na matuto ang mga Fil-Am gamers ng Tagalog.

"We're hoping that it will speak to young Filipinos around the world who don't have access to as many cultural resources as the Filipinos in the Philippines," ani Umali.
    
"I feel like it's a tribute to my past self growing up. My parents spoke to me in Kapampangan back home...So just seeing Tagalog in a game in a form of media is really great and it must be important," dagdag naman ni Datu, na siya ring marketing lead ng mobile game. 

Dahil independent at student developers pa sila ngayon, may crowdfunding drive ang dalawa para malabas ang kanilang laro sa publiko.

--Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.