RECIPE: Sweet and spicy pork ribs

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 11:32 AM | Updated as of Nov 14 2019 12:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naghahanap ba ng maihahain sa papalapit na handaan? 

Maaari mong subukang magluto ng sweet and spicy pork ribs, isang slow-cooked pork dish na binabad sa iba't ibang sarsa.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinero na si Markus Patimo para ibahagi kung paano magluto ng sweet and spicy pork ribs. 

Narito ang mga sangkap: 
 • 1 tasa bbq marinade
 • 1/2 tasa ng oyster sauce
 • 2 kutsara ng bawang, tinadtad
 • 1/4 tasa ng hot sauce
 • 1/2 tasa ng suka
 • 1 tasa ng pineapple juice
 • 1 slab ng pork ribs

Paraan ng pagluluto: 

Sa isang bowl, ilagay ang bawang, suka, bbq marinade, oyster sauce, hot sauce at pineapple juice. Haluin.

Ilagay ang pork ribs at ibabad sa loob nang 6 oras o overnight.

Sa isang kawali, ilagay ang binabad na baboy at pinagbabaran nito.

Lutuin sa loob nang 3 oras sa mahinang apoy o hanggang mag-brown ang baboy.

Hintaying lumapot ang sarsa.

Maaari nang ihain ang sweet and spicy pork and ribs. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.