Payo kay Gazini bago ang Miss Universe: Mag-social media break

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 08:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kulang 1 buwan na lang bago ganapin sa Atlanta, USA ang coronation ng Miss Universe 2019 kaya marami na ang may opinyon kung paano maiuuwi ni Gazini Ganados ang korona.

Ayon sa fashion designer na si Albert Andrada, na malaki ang naitulong sa pagkapanalo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, dapat ay mag-concentrate si Ganados sa kaniyang game plan. 

Kaya para kay Andrada, itigil muna ni Ganados ang pagbababad sa social media para hindi malason ang kaniyang utak ng mga bashers. 

"Other people would just bash them kaya kung minsan nawawala 'yung ano (confidence) nila. Gazini, sign out from your [social media accounts], concentrate on what you wanna do and what you wanna be in Miss Universe," ani Andrada. 

Susubukan ni Ganados na magkaroon ng back-to-back crowning dahil ang Pinay na si Catriona Gray ang nagwagi noong nakaraang taon at kasalukuyang reigning Miss Universe.

Kumpiyansa si Andrada na kayang gawin ito ni Ganados. 

"We see a real Ms Universe in her, she just has to fight," sambit ng designer. 

Samantala, may tips din ang ilang hairstylist kay Ganados matapos nitong ma-bash sa kaniyang "spray net look" na hindi nagustuhan ng pageant fans.

"Actually ang ganda niya kapag nakababa 'yung buhok niya," ani James Cooper. 

"Natural fall lang. I think that's the trend now. Less is more," tip naman ni Evelyn Alvaran. 

Live na ihahatid ng ABS-CBN ang Miss Universe coronation sa Disyembre 9, Lunes ng umaga.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.