MAYNILA — Sikat sa Pilipinas ang estofado, isang pork dish na ibinababad sa toyo, na fusion ng Pinoy at Spanish na putahe.
Pero kung pa-healthy ang iyong trip, maaaring dagdagan ang putahe ng talong para mas may sustansiya ito.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinera na si Daisy Asdolo para ibahagi kung paano gawin ang talong estafado.
Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• 4 talong
• 2 carrots
• 4 saging na saba
• 4 kutsara ng asukal na pula
• 5 cloves ng bawang
• 200 grams ng baboy (giniling o strips)
• Toyo
• Pamintang durog
Paraan ng pagluluto:
Ibabad ang karne sa toyo.
Sa kawali, iprito ang carrots, saba, at talong.
Sunod na iprito ang karneng binabad sa toyo hanggang magkulay brown.
Pagkatapos ay ilagay ang bawang. Timplahan ng toyo at hintaying kumulo.
Dagdagan ng tubig hanggang lumambot ang karne.
Ilagay ang asukal na pula at paminta at hintaying kumulo hanggang lumapot ang sauce.
Pagkatapos ay ilagay na ang pritong saba, carrots, at talong.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Umagang Kay Ganda, recipe, healthy recipes, affordable meals, estofadong talong, healthy, vegetable dish, Spanish dish, baboy, pig