Festival of Lights sa Zamboanga Sibugay umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 03:44 PM | Updated as of Nov 11 2019 08:09 PM

Libo-libong tao ang dumalo sa pagbubukas ng taunang Festival of Lights sa Ipil, Zamboanga Sibugay. ABS-CBN News

Libo-libong tao ang nagtungo sa provincial Capitol ng Zamboanga Sibugay sa bayan ng Ipil para matunghayan ang pagsisimula ng taunang Festival of Lights.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang "Children's theme park" kaya tampok ang iba't ibang karakter na kinagigiliwan ng mga bata gaya nina Mickey Mouse, Roger Rabbit, Peter Pan, at ang Minions mula sa franchise na "Despicable Me."

Watch more in iWant or TFC.tv

Agaw-pansin din ang mga atraksiyong hango sa mga pelikulang "Frozen," "Avengers," at "Transformers."

Nasa 20,000 tao ang bumisita para matunghayan ang pagsisimula ng Festival of Lights, base sa datos ng provincial government ng Zamboanga Sibugay.

Inaasahan ng provincial government na patuloy ang pagdami ng mga taong bibisita sa atraksiyon, na tatagal hanggang Pebrero 25 sa susunod na taon.

Para kay Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma, malaki ang naitutulong ng Festival of Lights sa turismo at ekonomiya ng lalawigan.

"This is one way of showcasing the province of Zamboanga Sibugay," aniya.

Ito na ang ikatlong taon ng Festival of Lights na idinadaos ng provincial government bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko. -- Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.