PatrolPH

Sari-saring luto ng adobo, ibinida sa pista sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2018 01:45 PM

Sari-saring luto ng adobo, ibinida sa pista sa Negros Occidental 1
Iba-ibang lutong adobo ang itinampok sa ika-19 taon ng Adobo Festival sa Silay, Negros Occidental. ABS-CBN News

Muling ipinamalas ng mga residente ng Silay City, Negros Occidental ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng mga bagong uri ng adobo sa nagdaang Adobo Festival.

Sa ika-19 taon ng pista, na idinaos noong Sabado, ibinida ang higit 20 entries na gawa ng mga food enthusiast at mag-aaral mula sa lungsod. 

Kabilang sa mga napansing entry ay ang Adobong Kulo na gawa sa langka, Crepe de Adobo o adobong binalot, Adobong Kambing, at Adobong Pato.

Ikinatuwa ni Lyn Gamboa ang patuloy na pagdiwang sa pistang itinatag lamang niya noon para mapanatili ang diwa ng pagkaing Pinoy.

"Every year, their artistic juices get hyped up and they come up with different things," sabi ni Gamboa sa panayam ng ABS-CBN News. --Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.