Rachel Peters, lumipad na patungong Vegas para sa Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2017 10:26 PM

Kuha ni MJ Felipe

Ganap nang umalis ng bansa ngayong Sabado ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2017 na si Rachel Peters.

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

"Ready and so excited to be wearing the Philippines sash. See you soon Vegas," ani Peters sa kaniyang Instagram account.

Bago nito, nakipagkulitan pa si Peters sa "Gandang Gabi Vice" noong nakaraang linggo, kung saan pinatunayan ng beauty queen kung gaano siya kadeterminadong masungkit ang "korona."

Gaganapin ang prestihiyosong pageant sa Nobyembre 26 sa The AXIS sa Las Vegas.

Kinoronahan si Peters bilang Miss Universe-Philippines noong Abril. 

Si Pia Wurtzbach ang pinakahuling Pilipinang nakasungkit ng Miss Universe title noong 2015. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.