Sweet success: 2 Pinay, patok sa cake industry sa UK

Rose Eclarinal, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Nov 09 2018 03:04 PM | Updated as of Nov 09 2018 03:38 PM

Ipinakita nina Queen of Hearts Couture Cakes owners Valeri Valeriano at Christina Ong ang kanilang mga obra sa Cake International sa Birmingham.

BIRMINGHAM- Mula sa pagiging nurse at carer, pinatunayan ng dalawang matalik na magkaibigan na may sweet success sa cake industry. 

Umiikot na sila sa buong mundo para magturong mag-decorate ng cake matapos humakot ng maraming awards. 
 
Sa world's largest cake competition, ang Cake International sa NEC, Birmingham, ilang beses humakot ng awards ang Queen of Hearts Couture Cakes owners na sina Valeri Valeriano at Christina Ong. Kasama nila ang pinakamagagaling na cake makers at mga nakakamanghang disensyo. 

Mula 2014, nakasungkit sila ng bronze, silver, gold, at iba pang awards mula sa Cake Masters magazine. 
 
"It was really this cake international show that gave us the biggest break. I e-mailed and said we really want to be part of your show, but we cannot afford it. We weren’t expecting a reply, but someone replied [and said], 'Can you do a running demo of piping?' And we said yes to everything," paliwanag ni Valeriano. 
 
"We didn't start with gold straight away. We started from the bottom. She won bronze, silver, then gold. Then all golds na," sabi ni Ong. 
 
Ngayon, naka-focus sila sa pagtuturong mag-decorate ng cake gamit ang buttercream. 
 
"Sweet accident" kung ilarawan nila ang pagdiskure sa kanilang passion sa pag-bake. Gusto nilang regaluhan ang kaibigan noong Mother's Day taong 2011 ng cake na sila mismo ang nag-bake. 
 
"We baked and looked at the recipe on the Internet, we looked at YouTube tutorials," pahayag ni Valeriano. 
 
Icing on the cake na lang ang mga awards ng magkaibigan dahil natupad din ang pangarap nilang magnegosyo at tuluyang iwan ang trabaho sa health care sector sa UK. 
 
Mula sa pagbebenta ng cakes sa school fairs, ngayon mayroon na rin silang apat na bestselling buttercream books.
 
Payo nila sa negosyo, huwag matakot mag-eksperimento at sumubok ng mga bagong paraan sa napiling larangan. 
 
"Let's do something different and still incorporate the Filipino, the color, the touch, everything," sabi ni Valeriano. 
 
Palagi rin daw nilang dala ang bandila ng Pinoy. 
 
"We just carry the name, our country, wherever we go," sabi ni Valeriano.