'She's ready to win it': Ariella Arida, tiwalang handa na si Catriona para sa Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 03:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isa si 2013 Miss Universe third runner-up Ariella Arida sa mga naniniwalang masusungkit ni Catriona Gray ang pang-apat na Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Ayon kay Ariella, wala na siyang masasabi pa sa ginagawang paghahanda ngayon ni Catriona para sa nalalapit na laban sa Bangkok, Thailand.

"She's ready to win it. Ang advice ko lang enjoy niya 'yung single journey, especially when she gets there in Bangkok, kasi minsan baka masyado ma-excite," pahayag ni Ariella sa naging panayam ng ABS-CBN News.

Nagbigay din ng dagdag na tips si Ariella kay Catriona. "Ang secret diyan, ma-maintain mo 'yung energy mo from the start till the end. Kung gaano ka ka-strong sa simula, kailangan sa dulo, mag-stand out ka pa din," aniya.

"I know naman she can do it. With all the things she's doing right now, with all the photo shoot, the events, kailangan ma-maintain niya 'yung aura, 'yung energy that she has right now," sabi pa niya.

Para kay Ariella, mas kailangan tutukan ngayon ni Catriona ang kanyang emosyon bilang bahagi ng paghahanda sa pageant.

"Mas concerned ako doon sa more on emotional, more on mental, kung paano mo i-ready ang sarili mo, more on the inside part. Kasi 'yung outside, kampante na ako, kaya na niya lahat -- pasarela, Q and A. Mas gusto ko 'yung sa loob, sa loob niya, kung ano ang iniisip niya. The more relaxed, the more na nag-eenjoy siya. I think mas gusto din ng organization 'yun," pahayag pa ni Ariella.

Sa darating na Disyembre 17 magaganap ang coronation night ng Miss Universe sa Bangkok, Thailand.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.