PatrolPH

ALAMIN: Sintomas ng PTSD o post-traumatic stress disorder

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 07:31 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nitong mga nakaraang linggo, nakaranas ng sunod-sunod na lindol ang ilang parte ng Mindanao, dahilan para magdulot ng pangamba sa mga nasalanta nito. 

Ang mga trahedya tulad ng lindol ay maaaring magdulot ng hindi pisikal na karamdaman gaya ng post-traumatic stress disorder o PTSD. 

Ayon sa psychiatrist na si Joan Mae Perez-Rifareal sa programang "Good Vibes" ng DZMM, nagkakaroon ng flashbacks ang biktimang may PTSD.

Sabi pa ni Perez-Rifareal, nagiging "hyper-vigilant" o labis na mapagmatyag ang taong may PTSD sa takot na maulit ang bangungot ng kanilang karanasan. 

Halimbawa ni Perez-Rifareal ang ilang biktima ng bagyong Ondoy.

"Kaunting rain, vigilant na talaga [sila], panic buying o ready o lilikas na, lilipat ng bahay. Mayroon silang ganung symptoms," aniya.

Mayroon ding "avoidance behavior" ang isang taong may PTSD sa mga lugar kung saan nagsimula ang trauma.

Dapat isang buwan maranasan ng biktima ang mga nabanggit na sintomas para makonsidera itong PTSD. 

Para malagpasan ito, ayon sa doktor, mainam na may makausap ang isang biktima na eksperto o kaya ay kapareho niya ng karanasan. 

"Mahalagang mayroon silang outlet... Gaya ng community na hindi sila nag-iisa. It's a shared and common experience, kasi lahat sila pare-pareho ang pinagdadaanan at may parehong emotional state," ani Perez-Rifareal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.