ALAMIN: Paano dapat 'paghandaan' ang sariling pagkamatay

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 04:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa sa pinakamalungkot na karanasan sa buhay ng isang tao ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay, kaanak man o kaibigan.

Bukod sa lungkot, kadalasang kalbaryo rin ng isang pamilya ang mga bayarin sa pagburol at paglibing sa namayapa. 

Ayon sa isang manunulat sa paksang panrelihiyon, importante na maagang ihanda ang sarili sa kamatayan.

"I think 'yung mga Pilipino mas maging financially literate tayo. Ang totoo, mahal mamatay. Imagine...kung hindi nakahanda, imagine mo 'yung burden," ani Rissa Singson-Kawpeng sa "Sakto" ng DZMM nitong Miyerkoles. 

magkano-mamatay-ngayong-2018-singil-ng-ilang-punerarya-lumobo]

Pero kahit wala pang karamdaman, importante rin aniya na mag-apply para sa mga "life plan" para gumaan ang gastusin sa hindi inaasahang pagkamatay. 

Ani Singson-Kawpeng, parehas lang ang paghahanda ng isang tao sa pagkamatay sa paghahanda niya sa pag-aaral ng anak.

Importante rin ayon kay Singson-Kawpeng ang paghahanda ng mga ipamamana sa pamilya, kung mayroon man, tulad ng lupain at iba pang ari-arian. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.