PatrolPH

Reputasyon ni Emilio Aguinaldo sa pelikula, nais ituwid ng pamilya

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 04:46 PM | Updated as of Oct 28 2019 05:21 PM

Reputasyon ni Emilio Aguinaldo sa pelikula, nais ituwid ng pamilya 1
Kawit, Cavite Mayor Emilio Angelo Aguinaldo being interviewed during the launch of the 'Tara sa Kawit' tourism campaign. Photo from the mayor's Facebook page

MAYNILA -- Kasabay ng paglulunsad ng tourism campaign ng "Tara sa Kawit," umaasa ang isa sa mga apo ni Emilio Aguinaldo na si Emilio Angelo Aguinaldo na magkaroon ng magandang representasyon sa pelikula ang kanilang heneral na ninuno.

Kasunod ito ng gagawing biopic ng isa pang bahagi ng kasaysayan na si Heneral Miguel Malvar na inaasahanag gagampanan naman ni Manny Pacquiao.

Sa naging panayam, inamin ng pang-apat na henerasyon ng Aguinaldo na hindi nagustuhan ng kanilang pamilya ang mga pelikulang bahagi sa kuwento ang kanilang Lolo, kabilang na ang "Heneral Luna."

Watch more on iWantTFC

"Ako personally, hindi ako masyadong happy doon," tugon ni Angelo Aguinaldo.

"Parang sa mga past movies na ipinalalabas e, masyado nilang dine-degrade or masyado nilang sinisiraan si General Emilio Aguinaldo," aniya sa panayam.

"Dahil kay Emilio Aguinaldo kaya tayo malaya ngayon. Lalo sa mga students at bagong generation ngayon na dahil sa pakilipaglaban ng aking lolo ay mayroon tayong Independence Day, may ginawang pambansang awit, kumabaga mabalikan ang kasaysayan sana (ng tama) ang kasaysayan." 

Bilang apo rin, hiling niya ang umano'y tuwid na impormasyon para sa mga susunod pang henerasyon.

"Sana maging open din sa public na kung pag-aaralan po natin, ilang digmaan ang naipanalo ni General Aguinaldo ang hindi naitala sa mga pelikula,"sabi pa niya.

At sa mga may nagbabalak na bigyang buhay sa pelikula si Heneral Aguinaldo, hiling lang ng pamilya: "Ang sa akin (at sa amin) lang, sana maging fair lang. Mapag-aralan nang maigi 'yung history, kasi may kanya kanyang sides lagi yan e, so sana maging tama."

Hindi rin daw isinasara ng pamilya ang posibilidad na mag-produce ng pelikula "para maituwid at maging-klaro ang issues," pahayag pa niya.

Si Emilio Angelo Aguinaldo ang tumatayo ngayong alkalde ng Kawit, Cavite at umaasa na maging isa sa atraksyon ng turismo ang mga naiwan na pag-aari ng kanyang lolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.