PatrolPH

'ASAP TLC': Balikbayan mula Australia nakilala ang kabiyak sa Pinas

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 03:33 PM

Watch more on iWantTFC

Sa "Land Down Under" man ang kinasanayang buhay, sa Pilipinas pa rin nahanap ni Jared Tan ang kaniyang kabiyak. 

Ibinahagi ng mag-asawang Jared at Kristine ang kanilang kuwentong pag-ibig sa special segment na "TLC" ng programang "ASAP" sa Sydney, Australia nitong Linggo. 

Sa Pinas unang nagtagpo ang dalawa nang dumalo si Kristine sa welcome party ni Jared nang magdesisyon itong dito na manirahan. Gayunpaman, hindi nagkaroon ng pagkakataon mag-usap ang dalawa noon.

Pero makalipas ng isang taon, muli silang nagtagpo nang mag-check-in si Jared sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Kristine. 

Nahumaling si Jared kay Kristine kaya hinanap niya ito sa Friendster at doon na sila nagsimulang mag-usap. 

Bagama't walang plano noon si Kristine na makipagrelasyon buhat nang iwan ng ama ng kaniyang anak, pursigido pa rin siyang niligawan ni Jared.

Matapos ang tatlong taon, ikinasal sila at nanirahan sa Australia kung saan nagkaroon sila ng anak. 

Ngunit minsan na ring sinubok si Kristine ng pangangaliwa ng kaniyang asawa. 

"Noong nanganak ako, he's always not in the scene.... Doon ko na na-notice na may lock na 'yung phone niya. One time natutulog siya in-open ko at 'yun na 'yung confirmation na there was someone," kuwento ni Kristine. 

Naghiwalay sila hangga't humingi na ng tawad si Jared sa kaniyang asawa. 

"We have to fight for my marriage. At the end of the day, it's our responsibility," ani Kristine. 

Tuluyan nang pinalampas ni Kristine ang nangyari nang magkatagpo sila ng naging karelasyon ng mister sa isang bus at personal itong humingi ng tawad sa kaniya. 

Inihandog nina Ogie Alcasid at Erik Santos para sa dalawa ang kantang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na pinasikat ni Rey Valera.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.