PatrolPH

Camiguin, bukas na muli sa mga turista

Mores Heramis

Posted at Oct 25 2021 03:46 PM

Camiguin. Mores Heramis
Camiguin. Mores Heramis

Sa muling pagbubukas ng Camiguin ngayong Lunes, Oktubre 25, naglabas nang alituntunin ang local pamahalaan para sa mga turistang gustong bumisita sa isla.

Base sa Executive Order 114 ng Provicial Government, nakasaad dito na kailangan na fully vaccinated at mayroong negative RT-PCR result 72 hours mula ng ito ay makuha kung magmumula sa National Capital Region habang 48 hours naman kung magmumula sa Vizayas at Mindanao.

Kailangan din na mayroong proof of confirmed accommodation reservation sa hotel na tutuluyan at Local Government Unit clearance naman kung sa bahay ng kamag-anak manunuluyan.

Camiguin guidelines. Mores Heramis
Camiguin guidelines. Mores Heramis

Papayagan naman na makapasok ang mga menor de edad basta kasama nito ang mga magulang na fully vaccinated na.

Kailangan din na mayoroong Clean Camiguin QR code bago makapasok sa Isla na maaring mai-download dito.

Paalala din ng local na pamahalaan na mayroong mga hand-washing station sa mga checkpoints sa isla dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang paghuhugas ng kamay bago makapasok sa isang munisipalidad.

Humingi ng pang-unawa ang local na pamahalaan sa mga turista na sundin ang mga COVID-19 protocols habang nasa Isla gaya physical distacing, pagsusuot ng face mask at face shields.

Camiguin. Mores Heramis
Camiguin. Mores Heramis
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.