Ancestral home sa Vigan, ginawang horror house

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 06:46 PM | Updated as of Oct 25 2019 09:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

VIGAN—Pinipilahan ng mga tao ang isang ancestral house sa lungsod na ito na ginawang haunted house.

Taon-taong ginagawa ang gimik na ito sa Calle Crisologo, at mistula ring blockbuster na pelikula dahil sa haba ng pila ng mga gustong sumubok.

“Ngayon taon na ito talagang ginastusan namin yung costume ng mga actors sa taas, mas scary, mas spooky at pinaghandaan din namain ang sound effects,” ani Michael Astom, tourism officer ng Ilocos Sur.

Makatindig-balahibo papasok pa lamang sa bahay. Sasalubungin ka na ng iba’t ibang karakter ng dilim na ang misyon ay maghasik ng takot sa lahat ng papasok sa bahay.

Kaya naman ang bawat grupong pumapasok ay nakakapit sa isa’t isa.

Bukod sa halimaw, clown, at multong nurse, mayroon ding duguang nahiwa ang ulo.

Ang ibang nangahas na pumasok, sumuko sa takot. 

Bukas ang horror house hanggang Oktubre 31 mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.