ABANGAN: Ang pagbabalik ng Gabi ng Kababalaghan

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2016 05:52 PM | Updated as of Oct 25 2016 07:30 PM

Noong dekada-90, naging tradisyon na ng maraming Pilipino ang magkumpulan sa harap ng telebisyon para panoorin ang mga kwentong ng kababalaghan sa "Magandang Gabi Bayan" ni Kabayang Noli de Castro.

Laman ng umpukan sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay ang mga kwento ng demonyo, tikbalang, white lady, dwende at multo na halaw sa tunay na buhay.

Ngayong taon, nagbabalik si Kabayan sa "Kababalaghan," mga kwento ng katatakutan na ipapalabas sa Linggo, Oktubre 30, ika-3:30 ng hapon pagkatapos ng "Banana Sundae" at muli sa gabi sa "Sunday's Best" pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice."

Babala: Huwag manood nang nag-iisa.