RECIPE: Pork galantina

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 11:50 AM | Updated as of Oct 23 2019 12:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naglilista ka na ba ng mga maihahandang pagkain sa Noche Buena? 

Maaari mong subukang maghain ng Pork Galantina, isang stuffed pork dish na manamis-namis at puno ng sustansiya. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes bilang guest kusinera si Shirley Angcaya para ibahagi kung paano magluto ng Pork Galantina. 


Narito ang mga sangkap: 

• Pork giniling
• Pickles
• Celery
• Pasas
• Keso
• Asukal na pula
• Itlog
• Harina
• Sibuyas
• Bawang
• Patis
• Asin
• Paminta

Paraan ng pagluluto: 

Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap sa isang malaking bowl at haluin nang mabuti.

Pahiran ng mantikilya ang paglulutuang molde bago ilagay ang mixture.

Pakuluan nang isang oras o hanggang maluto sa steamer.

Maaari nang ihain ang pork galantina. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.