Museum of Culture and Arts, binuksan sa Ormoc City

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 11:52 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ormoc City LGU (@ormoccitygovt) on

MAYNILA -- Kasabay ng 72nd Charter Day ng Ormoc City binuksan ang Museum of Culture and Arts ng lungsod sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Richard Gomez.

Bukod sa paggawa ng pelikula, malapit sa puso ni Richard ang sining at kultura na nais niya ring ibahagi sa kanyang mga kababayan.

Nagbigay-update din ang aktor na kino-consider niya ngayon ang dalawang bagong projects na magbabalik sa kanya sa paggawa ng pelikula.
 
"May binabasa ako na dalawang scripts ngayon. Mayroon ako binabasa na Palanca Award (winning) na story. Tingnan ko kung kaya," aniya.

Gumawa rin ng ingay kamakailan ang mga painting na likha ni Richard na umani ng iba't ibang reaksiyon sa social media.

Dedma si Richard sa mga komento dahil normal na ito para sa kaniya bilang isang alagad ng sining.

"Tama lang 'yun. Ganoon talaga ang art, dapat nae-evoke ang emotions mo. Kapag gumagawa ka ng art at 'di nata-touch ang emotions mo, hindi exciting. Marami talagang ganun those artists don't know what art is all about," aniya.

Pinaghahandaan na rin ni Richard ang nalalapit na kaarawan ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez ngayong Disyembre.

"Siguro tatanungun ko si Juliana kung ano gusto niya para sa mommy niya. Lately busy si Juliana sa school, hindi namin siya nakikita. Siguro siya ang tatanungun ko para sa birthday ng mommy niya," aniya.

Umaasa si Richard sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa Ormoc City dahil sa natural na gandang kalikasan na dinadayo noon pa man.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.