'I did my best': Michele sa kaniyang laban sa Miss Globe 2018

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2018 04:31 PM | Updated as of Oct 22 2018 08:53 PM

Nagtapos bilang Top 15 finalist si Michele Gumabao sa Miss Globe 2018. Kuha mula sa Instagram ni Gumabao/ @gumabaomichele

Bigo man si Michele Gumabao na mapanalunan ang titulong Miss Globe 2018, inihayag naman niyang uuwi siyang kontento na alam niyang ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa pagsabak sa pageant.

Nagtapos si Gumabao bilang isa sa Top 15 finalists sa pageant na idinaos sa Albania noong Linggo (Lunes sa Maynila).

Ginawaran din si Gumabao ng dalawang special award: Miss Social Media, na ibinase sa pinakamataas na percentage ng online votes, at Miss Dream Girl.

Watch more in iWantTFC

"I've always known that in life, there are wins and there are losses, but God knows what's best for us. I trust in Him to take me further," sabi ni Gumabao sa kaniyang Instagram post ukol sa kaniyang karanasan sa Miss Globe.

"I gave my best and I know it was good enough because I had the whole Philippines believing in me," aniya.

Dagdag pa ni Gumabao, sabik siyang makabalik sa bansa at makalaro muli sa mga volleyball competition.

"At the end of the day, it is what it is," ani Gumabao. "I’m coming home! Volleyball naman ang labanan."

Hinirang namang Miss Globe 2018 si Yu Yizhou ng China. --May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.