'Binibini' nakahabol sa Miss Grand International; nagpatutsada sa 'local organizer'

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 04:28 PM

MAYNILA — Binasag na ng beauty queen na si Samantha Ashley Lo ang kaniyang katahimikan matapos ang ilang araw na espekulasyon kung makakasali ba siya sa Miss Grand International (MGI) pageant.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Samantha Lo (@samantha_ashley_lo) on

Sa isang Instagram post nitong Linggo, makikitang nakarating na sa Venezuela si Lo para sa MGI, na nagpaliwanag sa matagal niyang pagkawala.

Umugong ang balitang na-detain at na-deport si Lo sa Paris, France dahil umano sa problema sa dokumento. Kinumpirma din ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes na wala silang passport record ni Lo.

Sa kaniyang paliwanag, hindi nagbigay ng detalye si Lo pero nagpasaring siya sa kaniyang "local organizer" na pumalpak daw sa paghahanda sa kaniyang mga dokumento.

"Despite what happened last week and the trauma that came with it, I have moved forward and pursued this journey knowing that I did not intentionally commit any of the acts that have been unfairly attributed to me. But yes, my local organizer, who handled my travel preparations, failed to equip me with the proper transit visa that may have enabled me to complete my earlier trip to this host country," sabi ni Lo.

Kinumpirma din ng Cebuana beauty queen na napiit nga siya pero hindi sinabi kung saang bansa.

Hindi daw ang local organizer niya ang tumulong sa kaniyang makabalik ng bansa kundi ang mga Pinoy doon at kaniyang pamilya.

"[It] wasn’t them who got me out of detention and put me safely on that plane to come back home. It was my family and other well-meaning Filipinos who did - and they are still not resting until this is over," ani Lo.

Sa kabila ng pinagdaanan, nangako si Lo na iuuwi niya ang korona ng MGI na hanggang ngayon ay bigo pa ring makamit ng sino mang Pinay beauty queen.

"And when this is all over, I hope to bring home the crown and glory to the Philippines and our people."

Nagpasalamat si Lo sa MGI na umano'y tinanggap pa rin siya sa kabila ng pagkaantala ng kaniyang pagdating.

"To Miss Grand International who has welcomed me with open arms, you are an amazing organization that has showed me nothing but compassion and humanity from the very beginning," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.