ALAMIN: 'Man boobs', high heels, at iba pang sanhi ng back pain

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 04:56 PM

MAYNILA — Samu't sari ang maaaring dahilan para sumakit ang likod ng isang tao. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Dra. Teresita Joy Evangelista, isang rehab doctor, ilan sa mga puwedeng sanhi ng back pain ay ang kama na gamit o pati na rin ang pagko-commute.

"Stressful lifestyle, with the traffic, the work, maraming deadlines... Even sleep, lack of sleep, or even the type of bed that you sleep on," ani Evangelista sa programang "Salamat Dok"

Sanhi din aniya ng back pain ang pagkakaroon ng "man boobs" o ang kakaibang paglaki ng dibdib ng ilang lalaki. 

"Nakakadagdag 'yan (man boobs) ng timbang sa likod natin kasi ang lahat ng timbang natin dumadaan sa spine o gulugod natin," ani Evangelista. 

Maaari ring magkaroon ng back pain ang mga nagsusuot ng high heels nang matagal o iyong mga tatayo nang matagal habang nasa trabaho, maging ang labis na pag-upo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.