Asong nakabihis estudyante kinagiliwan sa social media

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2020 12:45 AM | Updated as of Oct 19 2020 06:44 AM

MAYNILA - Good vibes para sa mga may pinagdaraanan sa online classes ang hatid ng isang aso mula sa Antipolo City, Rizal. 

Kuwento ni Bayan Patroller Lizeth Saludar, sanay magsuot ng damit ang kanilang alagang asong si Camila.

Pinagsuot nila ng school uniform ang alaga at binigyan ng props na notebook at lapis. Nakuhanan niya ng ito ng larawan noong ika-6 ng Oktubre. 

“Timing po kasi na nakadamit syia ng pang-school saka start na rin po ng blended learning. Para kunwari mag-aaral din po siya...Pampa-good vibes lang po," kuwento ni Saludar.

Dagdag pa niya, ginawa pa mismo ng kaniyang kapatid ang mala-unipormeng damit ng alaga. 

“Yung palda lumang uniform niya po 'yun tapos pinaliit lang nya at nilagyan ng pa-ekis. Yung color white po na panloob dating damit na pinagliitan na po niya na kumasya kay Camila,” ani Lizeth.

At dahil may kakulitang taglay si Camila, tinatali nila ito kapag nasa labas ng bahay. Ito rin ang kanilang paraan para hindi gumala ang alaga sa kalsada. 

Mensahe ni Lizeth, mahalaga na maalagaan ng mabuti ang mga alagang hayop dahil sila ang isang sa maaaring pagmulan ng kasiyahan sa buhay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.