PatrolPH

Celebrity recipe: Janice de Belen's Egg Salad Spread

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2021 02:15 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Ipinakita ng aktres na si Janice de Belen sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles kung paano gawin ang kanyang egg salad spread.

Para sa espesyal na palaman, kailangan lang ng nilagang itlog, mayonnaise, pickle relish, sibuyas, asin, paminta at mustard. 

Ayon sa aktres, paborito ng kanyang mga anak ang kanyang egg salad spread kaya hindi ito dapat nawawala sa kanilang tahanan.

Payo naman ni de Belen, magandang kapareho ng kanyang palaman ang mainit na pandesal.

"Alam mo ang katapat nito, tinapay, crackers pwede. Pero para sa akin the best talaga ang hot pandesal," ani de Belen.

Si de Belen ang guest host ngayon ng pang-umagang programa ng ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.