Dapat bang manghimasok ang magulang sa 'puppy love' ng anak?

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 05:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kadalasang nagsisimulang makipagrelasyon ang isang tao pagtungtong nila ng high school. 

Pero dapat nga bang pagbawalan ng magulang ang anak na makipagrelasyon sa murang edad? 

Ayon sa counselor na si Beth Morales, hindi dapat pinagbabawalan ang bata na pumasok sa isang relationship. 

Pero tingin ng counselor na "puppy love" lang ito, lalo na kung makikipagrelasyon sa unang mga taon sa high school. 

"Yung mga nage-girlfriend ng 13 at 14 ay puppy love lang 'yan. Yung mga seryoso kalimitang 18 at above," ani Morales sa programang "Sakto" noong Biyernes. 

Gayunpaman, kahit maaari nang payagang makipagrelasyon ang anak, dapat pa rin itong bantayan. 

"Importante talaga ang communication sa magulang at anak. At kapag nagkaroon ng girlfriend [sa] high school alam mo [dapat] kung sino ang kasama. Dapat alam nila ang danger," dagdag niya. 

Pero para kay Morales, mas "ideal" pa ring makipagrelasyon kapag nasa 18 anyos pataas na ang anak. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.