PatrolPH

‘Pinoy Hachiko’ na si Buboy binigyang pugay sa Tarlac pet cemetery

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 09:24 PM | Updated as of Oct 12 2019 09:42 PM

MANILA—Binigyan ng pugay ang viral na aso na si Buboy, ang tinaguriang "Pinoy Hachiko" sa Animal Kingdom Cemetery sa bayan ng Capas, Tarlac, nitong Sabado.

Naglaan ng estatwa ni Buboy ang Animal Kingdom Foundation sa kaniyang puntod sa nasabing sementeryo.

Dinaluhan ng Kapamilya actor na si John Arcilla ang "unveiling ceremony" ng nasabing estatwa ng aso.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Today is the Historical unveiling of BUBOY, the First Dog Statue erected on this part of the Earth, here at the Animal Kingdom Foundation @akfanimalrescue to commemorate His Story as the best example of man’s best friends’ deep Loyalty to hoomans. Thank you Atty Rome Alejandro @ang_probinsyanong_heneral for reminding me about this very significant day and to all the followers of Buboy, you have now a life size and life like Statue of Buboy that we can visit at the Animal Kingdom Foundation in Capaz Tarlac. May we raise the consciousness that we have a responsibility as humans to protect and take care of our dogs and all that breaths. Let us keep on reminding everyone that we are the keeper of all the Almighty’s Creations. A meaningful Saturday to everyone and God bless us all :) thank you for the Picture @rapido25 .

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla) on

Kilala si Buboy dahil sa isang viral post sa Facebook noong Mayo kung saan idinetalye na palagi siyang sumasama sa kaniyang among propesor na si Carmelito Marcelo sa isang kolehiyo sa bayan ng Mabalacat, Pampanga.

Naiulat na matapos ipadala sa ospital ang kaniyang amo dahil sa stroke, hinintay pa rin ni Buboy si Marcelo sa faculty room ng propesor kung saan pa umano "kumatok" ang aso.

Nang tuluyang nasawi at ibinurol ang propesor, naghintay pa rin ang aso sa amo sa nasabing faculty room kaya't hinatid si Buboy sa burol ng propesor kung saan niya napagtanto na wala na ang kaniyang kaibigan.

Namatay si Buboy nitong Hunyo matapos mabangga ng sasakyan.

Binansagan si Buboy ng "Pinoy Hachiko" dahil sa kaniyang pagkamatapat tulad ng isang asong Hapones, na naghintay sa kaniyang amo kahit 9 na taong patay na ang may-ari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.