RECIPE: Pininyahang baka

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 10:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghahanap ba ng manamis-namis at makremang putaheng kakainin ngayong araw? 

Maaari mong subukang maghain ng pininyahang baka, na masustansiya at malasa pa. 

MAYNILA — Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinera na si Angela Dela Cruz para ibahagi kung paano lutuin ang pininyahang baka. 

Narito ang mga sangkap: 
• Mantika
• Luya
• Bawang
• Sibuyas na puti
• Karneng baka
• Toyo
• Pineapple juice
• Oyster sauce
• Bell pepper
• Patatas
• Pineapple chunks
• Tubig
• Evaporated milk
• Harina

Paraan ng pagluluto

I-marinate ang karne ng baka sa toyo at pineapple juice sa loob ng 1 oras

Maggisa ng bawang, sibuyas at luya bago ilagay ang baka at hintaying mag-golden brown ito.

Sunod ilagay ang harina at ibuhos ang pineapple juice at palambutin

Ilagay ang patatas, pineapple chunks, bell pepper, oyster sauce at lagyan ng evaporated milk.

Pakuluan. 

Maaari nang ihain ang pininyahang baka. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.