Miss Universe costume ni Catriona Gray, naka-exhibit sa Leyte

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 08:37 PM

Naka-display ngayon sa bayan ng Palo, Leyte ang national costume na isinuot ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018.
 
Ang exhibit ay libreng matutunghayan ng publiko sa Oriental Hotel hanggang Oktubre 24.

Ayon sa local historian na si Dr. Rolando Borrinaga, isa sa mga inspirasyon para mabuo ang costume ni Gray ay ang mga Visayan warrior noong 16th century.

Simbolo ng katapangan ang mga tattoo sa katawan ng mga matatapang na mandirigma ng Bisayas.

Ang exhibit ng costume ay bahagi ng 3rd Quincentennial Lecture Series.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.