TINGNAN: Mga obrang bag at sapatos ng Bagobo-Tagabawa

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 04:02 AM

Tunay ngang maipagmamalaki ang iba't ibang katutubong produkto kaya naman malaking bagay ang kolaborasyon para mas madali itong maipakilala sa publiko.

Kuwento ni Zarah Juan, lahat ng produktong ibinebenta niya, gaya ng bags at sapatos, ay orihinal na disenyo ng mga miyembro ng katutubong pangkat na Bagobo-Tagabawa.

Hango ang mga pattern sa mga simpleng hiling at panalangin ng mga miyembro ng tribo.

"The Bagobo Tagabawa community when they want to pray or they want to say something, they usually bead it sa damit nila," ani Juan.

Dahil hango sa mga unique o natatanging dasal ang mga disenyo, walang dalawang disenyo ang magkapareho.

Dahil sa kolaborasyon kay Juan, natututo rin ang mga katutubong Bagobo-Tagabawa ng ilang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo tulad kung paano magpresyo at mag-imbentaryo ng paninda. 

Nagkakaroon din ng dagdag na pinagkukunan ng pantustos sa araw-araw na pamumuhay ang mga katutubong nagbibida ng kanilang mga obra.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.